Publiko, walang aasahang ayuda sa Pasko

Publiko, walang aasahang ayuda sa Pasko

Hindi makapagbibigay ang gobyerno ng ayuda sa mahihirap sa panahon ng Kapaskuhan.

Ito ang inihayag ng National Economic Development Authority (NEDA) sa gitna na rin ng pangamba ng marami na magiging tuyo ang panahon ng Kapaskuhan dahil marami ang walang trabaho at may mababang kita dahil sa epekto ng COVID 19 pandemic.

Ipinaliwanag ng NEDA na walang ipinasang panukalang batas ang Kongreso para sa paglalaan ng budget para sa ayuda.

Iginiit din ng ahensya na hindi rin nakapaloob sa Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2 ang tulong para sa panahon ng Kapaskuhan.

Gayunman, tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang iba’t ibang programa ng gobyerno para sa mga mahihirap kasama na ang pagpapautang sa mga maliliit na negosyante at training sa mga nawalan ng trabaho.

Aabot din ng isang milyong trabaho ang iaalok ng pamahalaan para sa mamamayan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: