Service charge sa online transactions, pinasususpinde

Service charge sa online transactions, pinasususpinde

NANAWAGAN si Senador Kiko Pangilinan na dapat babaan o suspindihin sa panahon ng pandemya ang sinisingil na service fee sa mga online transaction partikular sa pamamagitan ng InstaPay.

“Pataas pa rin ang kaso ng nagkakasakit ng COVID. Kailangan pa ring tutukan ang kaligtasan ng ating mamamayan. Habang di pa humuhupa ang pagkalat ng COVID, mas mainam kung suspindehin o babaan muna ang pagkolekta ng mga online transaction fees,” saad ni Pangilinan.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas should step in and suspend or slash the online transaction fees during this health emergency,” dagdag nito.

Iginiit ni Pangilinan na malaking tulong sa mga nawalan ng trabaho at mga may mababang kita ang suspensyon ng mga online transaction fees.

“Milyon ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID at lockdowns. Malaking tulong yung pagsuspindi o pagbaba ng online transaction fees,” giit ni Pangilinan.

“May kwento sa akin, may isang labandera dito sa Metro Manila na sole breadwinner ngayon dahil nawalan ng trabaho ang mister. Nagpapadala siya ng pera sa Masbate para makapag-aral yung mga anak niya. Pag nagkataon daw, pangkain pa sana nila sa tanghalian yung transaction fee,” dagdag pa nito.

Ang InstaPay ay isang electronic fund transfer service kung saan maaaring mag-tranfer ng peso funds sa iba’t ibang bank accounts at e-wallets.

Leave a Reply

%d bloggers like this: