Beep Card, dapat gawing libre – DOTr

Beep Card, dapat gawing libre – DOTr

HINILING ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa AF Payments Inc., ang consortium na nag-ooperate sa automatic fare collection system sa Metro Manila rail systems at sa EDSA Busway na mamahagi ng reloadable stored value “Beep” cards sa mga commuter.

Ito ay sa gitna ng pagpapatupad ng DOTr ng “no Beep card, no ride” policy sa mga pampublikong bus upang mabawasan ang physical contact sa pagitan ng mga pasahero at konduktor.

Pinuna ni Tugade ang paniningil ng dagdag na P30 hanggang P50 sa Beep card bukod sa initial fare load.

“Dapat libre lang ang card. We are still under quarantine measures. Workers who have just returned to work are the main users of the rail system and the EDSA Busway. Malaking bagay para sa mga ordinaryong manggagawa ang P30-P50 na ikakaltas para bayaran ang card ng Beep. Pasahe din ‘yun. They should be spared from the burden of having to pay the price of the beep card on top of their fares,” giit ni Tugade.

Sinabi ng kalihim na hindi dapat ipasa sa mga pasahero ang gastusin ng kumpanya sa pagpapagawa ng stored value card.

Ang ‘no beep card, no ride policy’ ay sinimulan nang ipatupad kahapon, October 1 sa EDSA Busway, habang maaari rin itong gamitin sa LRT-1, LR2, at MRT3 train lines, at sa ilang point-to-point buses, at modern public utility vehicles.

Leave a Reply

%d bloggers like this: