Mga trabahong patuloy na magiging in-demand sa 2021

Mga trabahong patuloy na magiging in-demand sa 2021

KUNG patuloy na magiging banta ang COVID-19 sa 2021 at sa mga susunod pang taon, dapat isipin ngayon ng mga mag-aaral ang pagkuha ng kurso na magiging “in-demand” tulad ng sa industriya ng kalusugan.

Ito ang payo ng Department of Labor and Employment (DOLE) makaraang tukuyin ang industriya ng healthcare, information technology at logistics sa mga panggagalingan ng trabaho sa mga susunod pang taon.

Ngayong taon ng quarantine, nangunguna sa mga industriyang pinakapatok ang health care, logistics, information technology, business process management, edukasyon at construction.

Sa ilalim ng health care and wellness sector ang mga doktor, nurses, medical at radiologic technologists, pharmacists, psychologists, medical researchers at writers, at wellness trainers.

May higit sa 10,000 oportunidad naman sa sektor ng business process outsourcing (BPO) sa bansa tulad ng customer care representatives, technical support staff, frontline/specialists, supervisors, trainers, managers at iba pang uri ng ng trabaho sa finance, information technology at marketing.

Naging patok rin ang logistics sector na nangailangan ng maraming tauhan ngayong panahon ng lockdown sa dami ng gumagamit ng delivery applications para sa pagkain at ibang pangangailangan sa bahay.

Tumaas rin ang pangangailangan sa mga construction workers lalo na sa mga heavy equipment operators at safety engineers dahil sa patuloy na paglarga ng mga malalaking proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng “Build, Build, Build program”.

Leave a Reply

%d bloggers like this: