Paggamit ng Social Media sa Distance Learning, delikado

Paggamit ng Social Media sa Distance Learning, delikado

NAGBABALA ang isang technology expert laban sa paggamit ng social media para sa distance learning ng mga estudyante, ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Art Samaniego, kahit secure ang online platforms, maaari pa rin itong pasukin ng mga manloloko.

“Magkakaroon na ng ‘Zoom bombing’ — ito ang bagong term na na-coin, na sumikat ngayong pandemya. May nakakapasok sa meeting room na mga hindi imbitado. Puwedeng mangyari ito sa Zoom, MS Teams, and Google Classroom,” paliwanag ni Samaniego.

Dahil dito, hinihikayat ni Samaniego ang mga magulang na gabayan at bantayan pa rin ang mag anak upang maiwasang mapadpad ang mga ito sa “dark web” na bahagi ng Internet.

“Nandito lahat ngmga kriminal, drug addict, sexual predator. Ito ang mga lugar kung saan makikita mo. Kikilabutan ka kung ano ang shine-share nilang pictures,” paliwanag ni Samaniego.

Panahon na rin anya na palakasin ng mga eskuwelahan ang kanilang online security.

Ayon sa Department of Education, wala silang diretsahang polisiya sa paggamit ng social media, lalo para sa distance learning.

“Call na ‘yan ng mga teacher… China-challenge din natin ang mga kasamang guro na maging malikhain,” pahayag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

Subalit pinag-iingat din ng DepEd ang mga guro at pinayuhan na kung maaari ay huwag gumamit ng social media.

“We may encounter several problems. May group cheat features na may adult content, and can elicit incorrect values to learners. Malingat lang ang teachers, baka iba’t iba na ang mapuntahan ng bata,” saad ni Education Undersecretary Alain Pascua.

“We have to weigh these platforms and the learning methodologies. ‘Di dahil madaling gawin, doon tayo. Mapapahamak pa ang mga bata,” dagdag ni Pascua.

Leave a Reply

%d bloggers like this: