Suporta sa “Renewable Energy”, giit ng Simbahang Katoliko

Suporta sa “Renewable Energy”, giit ng Simbahang Katoliko

HINIKAYAT ng Caritas Philippines si Pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang pangako niya sa nakaraang “State of the Nation Address” na isusulong ang ‘renewable energy’ sa bansa para mapababa ang presyo ng kuryente na binabayaran ng mga konsyumer.

Ipinaalala ng Caritas, ang social action arm ng Simbahang Katolika, sa Pangulo ang pangako niya noong ikalimang SONA nitong nakaraang Hulyo na pabibilisin ang pagpapaunlad ng mga “RE” upang mabawasan ang pagdepende sa tinawang niyang “dirty, deadly at costly” na pinagmumulan ng enerhiya tulad ng coal.

“However, he continues to approve and support new coal-fired power plants,” ayon kay Bishop Jose Collin Bagaforo of Kidapawan, National Director ng Caritas Philippines.

Patuloy umano na nananatiling nakasandal ang Pilipinas sa coal bilang pangunahing opsyon sa enerhiya na umano’y may malaking kontribusyon sa tinatawag na ‘greenhouse gas emissions.”

Partikular na tinukoy ng pari ang pagtatayo ng tatlong ‘coal-fired power plants’ sa lalawigan ng Quezon na umano’y sanhi rin ng pagkasira ng kalikasan sa mga komunindad na nasasakupan ng mga ito.

Sa datos nitong Disyembre 2018, may 27 nag-ooperate na ‘coal power plants’ sa bansa na nagsu-suplay ng 52 porsyento sa enerhiya na ginagamit ng mga Pilipino.

Leave a Reply

%d bloggers like this: