Deadline sa pagpaparehistro sa LTO, extended

Deadline sa pagpaparehistro sa LTO, extended

NAGPATUPAD ng ekstensyon ang Land Transporation Office (LTO) sa pagpaparehistro ng sasakyan upang maiwasan ang pagsisiksikan ng mga motoristang humahabol sa kanilang deadline.

Sa advisory ng LTO, pinalawig ang pagpaparehistro ng mga sasakyan na nagtatapos ang mga plate numbers sa 6, 7 at 8 hanggang Oktubre 30. Ito ay mula sa dating deadline nila nitong nakaraang Hunyo, Hulyo at Agosto.

Ang mga behikulong nagtatapos naman sa plate number 9 at 0 ay binigyan ng ekstensyon hanggang Disyembre 31 mula sa dating buwan ng Setyembre at Oktubre.

Nilinaw ng LTO na walang ipatutupad na penalty at surcharge sa mga renewal ng rehistro sa naturang mga revised schedules.

Layon nito na hindi magsabay-sabay ang mga motorista sa pagpaparehistro lalo na ang mga naghahabol sa kanilang deadline.

Dahil dito, muling nanawagan ang tanggapan sa mga motorista na huwag nang ipagpabukas ang pagpaparehistro nila at magsasabay-sabay sa mga huling araw ng binanggit na mga buwan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: