Palay ng mga magsasaka, bibilhin ng DA

Palay ng mga magsasaka, bibilhin ng DA

ANG Department of Agriculture (DA) na lamang ang bibili sa mga aning palay ng mga magsasakang Pinoy sa mas mataas na halagang P19 kada kilo upang upang makatulong umano sa kanila kita.

Ito ay mula sa P12 kada kilo na bentahan ng mga palay sa ‘farm gate’ na tinuligsa ni Senador Ralph Recto dahil sa pagiging mas mura pa nito sa face mask.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na palalawigin ng National Food Authority (NFA) ang kanilang ‘palay procurement’ sa pagbili ng mga ani ng mga magsasaka sa mga barangay.

Maglalagay umano ang NFA ng mga ‘buying stations’ sa maraming lugar sa bansa para maserbisyuhan ang mas maraming mga magsasaka.

Bibilhin ang palay sa P19 kada kilo na may 14% moisture content. Naglaan ang DA ng P20-bilyon para dito.

Tiniyak ni Dar na tutulong ang NFA sa paghakot ng mga ani kung walang kaparaanan ang magsasaka na maihatid ito.

Una nang nanawagan ang DA sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ang kanilang mga magsasaka sa pagbili ng ani ng mga ito sa mas mataas na halaga kumpara sa iniaalok ng mga negosyante at middle men.

Kabilang sa mga may pinakamalalaking ani ng palay noong 2019, ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Isabela, Pangasinan, Cagayan, Iloilo, Camarines Sur, Tarlac, Negros Occidental, Maguindanao, Bukidnon, North Cotabato, at Leyte.

Leave a Reply

%d bloggers like this: