Sinehan sa mga lalawigan, bubuhayin na sa Disyembre

Sinehan sa mga lalawigan, bubuhayin na sa Disyembre

POSIBLENG maging masigla ang Kapaskuhan sa mga sinehan sa mga lalawigan makaraang ihayag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na maaaring magbalik-operasyon nito sa Disyembre.

Sa Senate budget hearing, sinabi ni MTRCB chairperson Rachel Arenas na inaasahan nilang bago matapos ang taon ay bubuhatin na ang movie industry na isa sa matinding tinamaan ng COVID 19 pandemic.

“Ngayon po nag-uumpisa na pong magbukas, may dalawa pong drive-in cinemas ang SM. So unti-unti nang nagbubukas yung mga cinemas and hopefully by December, maguumpisang magbukas yung mga cinemas, according to the provinces,” saad ni Arenas.

“So, siguro, it will pick up by the end of the year,” dagdag pa nito.

Samantala, iniulat din ng MTRCB na inaasahan nilang bababa ng 40% ang kanilang kita dahil sa pagsasara ng ABS-CBN.

Ito ay nang tanungin ni Senador Grace Poe ang ahensya hinggil sa epekto sa ahensya ng ABS-CBN shutdown.

Sa datos, ang total revenue collections ng MTRCB mula Enero hanggang Agosto ay umabot sa P59 milyon.

Binigyang-diin ng ahensya na sa kanilang P136 milyong kita nooong 2019, P22.7 milyon nito ay mula sa ABS-CBN.

Leave a Reply

%d bloggers like this: