Bataan Nuclear Power Plant, maaari pang paganahin

Bataan Nuclear Power Plant, maaari pang paganahin

KINUMPIRMA ng Philippine Nuclear Research Institute na maaari pang paganahin ang Bataan nuclear power facility kahit ilang dekada na itong nakaimbak.

“Mali yung sinasabi ng iba na laspag. ‘Di pa nga ginagamit eh. Imbitahin ko kayo pumunta doon, ‘yan lang yung nuclear plant sa mundo na pwede ka mag-selfie sa loob ng reactor,” saad ni PNRI director Carlo Arcilla.

Kung ang kaligtasan anya ang pag-uusapan, maituturing ang Bataan Nuclear Power Plant na “60 percent younger” kumpara sa 98 nuclear plants sa America.

“Pangalawa, kung ang sinasabi unsafe, sabihin natin ang Chernobyl, ang Chernobyl po kasi, iba ang design. ‘Yun ang tinatawag na Soviet design,” diin nito.

“Lahat po ng nuclear plants na Western design, may takip. Ang tawag d’yan, containment structure. Kung sakaling may aksidente,. di kakalat. ‘Yun pong Chernobyl, walang ganyan,” dagdag pa ni Arcilla.

Sinabi ng opisyal na ang Bataan nuclear plant ay may kaparehong disenyo tulad sa tatlo pang pasilidad sa South Korea, Slovenia at Brazil.

“Kung bubuksan po ‘yan, meron tayong model na pagkukuhanan ng mga tao, spare parts,” diin nito.

Idinagdag pa nito na mas mura ang operasyon ng nuclear powerplants kung ikukumpara sa coal plants .

“Napakamura po ng production cost. ‘Yun po ang isang ino-offer ng nuclear, kasi it’s the cheapest and the cleanest. Kasi walang binubuga yan eh, walang binubugang emissions,” saad nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: