Paggamit ng BEEP cards, sinuspinde na ng DOTr

Paggamit ng BEEP cards, sinuspinde na ng DOTr

DAHIL sa pagtanggi ng pribadong kumpanya na tanggalin ang P80 na halaga ng card, tinotoo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsuspinde sa paggamit ng Beep cards sa EDSA Busway mula ngayong Oktubre 5.

Nabatid na tumanggi ang AF Payments Inc, ang provider ng ng automatic fare collection syste (AFCS) ng EDSA Busway, na tanggalin ang sinisingil na P80 para sa halaga ng bawat card.

Ito ay makaraang ulanin ng batikos ang kagawaran mula sa mga nahirapang mga pasahero dahil sa biglang implementasyon sa EDSA Busway ng “no Beepcards, no travel”.

Nagkakahalaga ang card ng P180, ang P80 para sa card at P100 sa load nito. Bukod dito, may sinisingil pa ang AF Payments na P5 para sa umano’y convenience fee at kailangan pang panatilihin ag P65 maintaining balance na parang account sa bangko.

Sa tila paghuhugas-kamay ng DOTr, sinabi nila na wala silang kinalaman sa sinisingil sa mga pasahero ng AF Payments na agad nilang kinausap para tanggalin na ang P80 na halaga ng card na dapat umano ay libre na lalo na’t dumaranas ng ibayong hirap ang publiko dahil sa pandemya.

Habang suspendido ang implementasyon ng Beep cards, magpapatupad naman ang DOTr ng ‘dual payment system’. Maaari pa ring gamitin ang Beep cards ng mga nakabili na habang papayagan muli ang pagbabayad ng cash sa mga bus stations.

Maghahanap naman umano ang EDSA Bus Consortia ng bagong AFCS provider na makakaresolba sa problemang sinasapit ngayon ng mga pasahero.

Leave a Reply

%d bloggers like this: