“Plant poaching” talamak na sa Pinas

“Plant poaching” talamak na sa Pinas

MULA nang pumutok ang pandemya sa COVID-19, nauso lalo ang paghahalaman hindi lang ng mga dati nang ‘plant enthusiasts’ ngunit maging ang mga bagong plantito at plantitas.

Ngunit sa paglaki ng community ng mga gardeners, lumobo rin ang presyo ng mga halaman lalo na ang mga indoors. Dahil dito, naging ‘collector’s item’ ang pinakakakaiba at pinakamahirap hanapin na uri ng halaman.

Jinkee Pacquiao poses with her variegated alocasia elephant ear.  Photo c/o Jinkee Pacquiao 

 

Dahil dito, ang dating walang pakialam na mamamayan ay nagkainteres sa biglang lumaking negosyo sa halaman. Ang dating tahimik na mga kagubatan at kabundukan ay sinalakay– tumaas ang insidente ng ‘poaching’ o ang basta-basta pagkuha ng mga ‘plant species’ sa wildlife.

Ang mga illegal traders ay sinasabing “having a fiesta because the market is bigger and prices are more attractive”, ayon kay Rogelio Demallete, isang ecosystem specialist Biodiversity Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

 

A P10 million worth BG Regale, or Sansevieria rorida  Photo c/o KMJS

 

Tulad ng dating mga linya ng pamahalaan, plano nilang palakasin ang pagpapatrulya ang mga kagubatan at kabundukan laban sa mga poachers na ito. Kahit alam nila na kung ilang ektarya ang sasakupin ng mga nagpapatrulya at kung gaano kahirap ang pag-akyat sa mga bundok.

Sa Pilipinas, ipinagbabawal ang poaching sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o ang “An Act Providing for the Conservation and Protection of Wildlife Resources and their Habitats”.

Ang ‘trading ng wildlife’ at pagkolekta nito ay may katumbas na parusang pagkakulong ng mula 10 araw hanggang dalawang tao at multa na aabot mula P20,000 hanggang P300,000.

Sa kabila nito, talamak pa rin ang ‘poaching’ dahil sa mahinang pagpapatupad ng batas sa bansa at pagtangkilik ng marami sa undeground trade.

Ang Pilipinas ay isa sa 17 bansa na tinatawag na “megadiverse” dahil sa sinasabing nagtataglay ng 70% ng “flora at fauna species” ng mundo. Ngunit matindi ang banta nito mula sa pagmiminda at logging na dinagdagan pa ng poaching.

Ang dating mga kuntento lang na mag-agala ng halaman, ngayon ay nagbebenta na dahil sa kawalan ng pagkakakitaan dahil sa napakatagal na lockdown. Ang mga nakatira malapit sa kabundukan ay sinasalakay ngayon ang dating tahimik na parte ng gubat para sa pinakamahal na halaman na maaari nilang maibenta.

Leave a Reply

%d bloggers like this: