Registration para sa National ID system, aarangkada na

Registration para sa National ID system, aarangkada na

MATAPOS ang dalawang taong pagkaantala, sisimulan na ng Philippine Statistics Authority ang mass registration sa National ID System sa October 12.

Sinabi ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista na bibigyang prayoridad na makarehistro ang limang milyong heads ng low-income households mula sa talaan ng Department of Social Welfare and Development.

Unang hakbang sa proseso ng pagrerehistro ay ang pagtungo ng mga tauhan ng PSA sa tahanan ng mga pre-registrants upang makuha ang kanilang impormasyon at itakda ang pagtungo nila sa registration center.

“Sila ang pupuntahan namin at uunahin namin silang i-preregistrer o pag capture ng kanilang information para po pagdating nila sa registration center mas mabilis na ang kanilang pagaantay at pila. Maglalagay kami ng schedule,” saad ni Bautista.

Step 2 ay ang pagkuha ng biometrics ng pre-registrants sa mga registration center simula sa Nobyembre.

“All in all, ang ipe-preregister namin before the end of the year is 9 million pero ‘yung 5 million na household head ay pupunta na sila sa registration centers,” diin ng opisyal.

Sa susunod na taon, target ng PSA na maiparehistro pa ang dagdag na 45 milyong Filipino at 42 milyon sa 2022.

“So by the end of the term of President Duterte naparehistro na namin dapat ang majority of the Philippines,” diin nito.

Nilinaw ni Bautista na walang babayaran para sa registration at maging sa ID.

Leave a Reply

%d bloggers like this: