Operator ng Beep Card, gagamit na ng QR code ticketing system

Operator ng Beep Card, gagamit na ng QR code ticketing system

MAMAMAHAGI ang AF Payments Inc., operator ng Beep card ng 125,000 na libreng card sa mga nangangailangan at magse-setup na ng QR code ticketing system para sa cashless payments.

Ito ay makaraang suspindihin ng Department of Transportation ang mandatory na paggamit ng Beep cards sa mga bus dahil sa reklamo ng publiko sa mataas na presyo ng card.

Bilang tugon sa sinasabing mataas na presyo, inialok ng kumpanya sa mga bus operator na mag-system upgrade upang makagamit ang mga pasahero sa EDSA bus loop ng QR ticket.

“QR paper tickets will not cost anything in addition to the regular fare for the desired trip,” saad ng kumpanya.

Una nang iginiit ng DOTr na dapat maging libre lamang ang Beep cards upang hindi madagdagan ng pasanin ang mga pasahero sa gitna ng krisis.

Leave a Reply

%d bloggers like this: