Telco giant ng Vietnam, makaka-partner ng ikaapat na Telco sa Pilipinas

Telco giant ng Vietnam, makaka-partner ng ikaapat na Telco sa Pilipinas

PAPASOK sa Pilipinas ang higanteng Viettel Business Solutions Corp. ng Vietnam bilang partner ng ikaapat na telecommunications company ng bansa upang magbigay ng malakas na internet service.

Sinabi ng NOW Corp. na pumasok sila sa isang memorandum of agreement (MOA) sa Viettel para magbigay ng ICT products (information and communications technology) at serbisyo sa Pilipinas.

Ang Viettel Business Solutins ay ang ICT arm ng Viettel sa Vietnam at ibayong dagat. Isa ito sa pinakamalaking telecom players sa Southeast Asia at pinakamalaki sa Vietnam.

Ang NOW naman ay may kasalukuyang access sa broadband internet business na tinawag nilang Fiber Air. Kabilang sa mga customer segment ng NOW ay ang sektor ng ‘banking, logistics, education, hospitality’ at maging ang gobyerno ng Pilipinas.

Sinabi ni Mel Velarde, ng NOW Corp. na nais rin nilang pumasok sa industriya ng telebisyon at radio broadcasting kung saan nag-aplay na sila para makakuha ng radio frequencies at may aplikasyon na rin para sa ‘direct terrestrial television broadcast’.

Kasalukuyang naghahanda na ang NOW sa kanilang public listing at pag-uumpisa ng kanilang 5G network rollout.

 

Leave a Reply

%d bloggers like this: