2021 BUDGET, REENACTED ULI? MGA PROGRAMA LABAN SA PANDEMYA, DI MAPOPONDOHAN

2021 BUDGET, REENACTED ULI? MGA PROGRAMA LABAN SA PANDEMYA, DI MAPOPONDOHAN

AMINADO si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na posibleng maging reenacted muli ang 2021 national budget dahil sa maagang suspensyon ng Kamara kahit hindi pa tuluyang naipapasa ang panukalang budget.

Sinabi ni Sotto na upang maipasa ‘on time’ ang panukalang budget, dapat nasa kamay na ng Senado ang inaprubahang panukala ng Kamara bago ang kanilang suspensyon sa October 14.

“The HOR has just disregarded the request priority of the President to pass the budget. There is no way we can finish the budget if it is not submitted to us before the mandated break after October 14. Do not blame us!” saad ni Sotto.

Sinabi naman ni Senate Finance Committee chairperson Sonny Angara na umaasa silang maipapasa sa kanila sa susunod na linggo ang panukalang budget upang agad nang masimulan ang plenary debate sa pagbabalik sesyon sa November 16.

“As it is, the schedule is very tight. I hope the original schedule could still be followed, but at the end of the day, we can not impose on our House colleagues but only plead and appeal to them,” saad ni Angara.

Sa kabilang dako, tiniyak ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na sa kanilang panig ay handa silang magpuyat upang matiyak na hindi mauulit ang reenacted budget.

“The Senate traditionally holds morning to midnight debates for two weeks on the general appropriations act. That will still be observed this year. There will be no reenacted budget but a revamped budget is a certainty,” diin ni Recto.

Maging si Senador Bong Go ay umaasa na maihahabol pa rin nila ang pagpasa ng budget bago matapos ang taon upang mapondohon ang mga kailangang programa para sa 2021 lalo na ang mga pagtugon sa COVID 19 pandemic.

“Kapag hindi po naipasa ang 2021 budget on time at wala tayong budget sa susunod na taon na angkop sa sitwasyon na kinakaharap natin, ang magsa-suffer ay ang mga Pilipino. Huwag natin ipasa sa tao ang burden na sila ang magsa-suffer kung sakaling madelay o hindi maipasa ito,” saad ni Go.

“We cannot afford to have a reenacted budget not suited for COVID-19 recovery. Naghihirap na po ang mga Pilipino, huwag na natin silang mas pahirapan pa,” diin pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: