Duterte sa DOH: Ipamigay ang mga gamot

Duterte sa DOH: Ipamigay ang mga gamot

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamigay na sa publiko ang mga medisinang malapit nang mag-expire.

Kasundo ito ng ulat ng Commission on Audit (COA) na nasa P2.2 bilyon ang halaga ng mga medisina na hawak ng DOH na expired na o malapit na mag-expire.

Nilinaw naman ni Health Undesecretary Maria Rosario Vergiere na nasa P13 million pesos lang na gamot ang nag-expire, nasa P1.2 billion ang overstock habang nasa P1.2 billion ang malapit na mag-expire.

Iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque na ayaw ng pangulo na masayang ang mga gamot kaya’t pinamamadali ang pamamahagi ng mga ito.

“Ang mandato po ng presidente sa DOH, lalo na iyong mag-e-expire na, paki-distribute na po para hindi po masayang. At iyong mga overstock at slow moving naman po eh ilabas na po natin sa mga warehouse nang magamit ng ating taumbayan,” saad ni Roque.

Iginiit naman ni Senador Ralph Recto na dapat bakunahan ang DOH laban sa pagsasayang ng mga gamot.

Binigyang-diin ni Recto na hindi biro ang perang ginugugol sa mga gamot subalit pinabubulok lamang ng DOH sa halip na mapakinabangan ng taumbayan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: