Higit 7 milyong pamilyang Pinoy, tag-gutom

Higit 7 milyong pamilyang Pinoy, tag-gutom

NADAGDAGAN pa ngayong buwan ng Setyembre ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong nagugutom na umakyat na sa higit pitong milyon base sa ginawang pag-aaral ng Social Weather Station (SWS).

Ayon sa SWS, naitala ngayong Setyembre sa 30.7 porsyento ang bilang ng nagugutom o katumbas na 7.6 milyong pamilyang Pilipino.

Mula ito sa 23.8% noong Marso kung kailan bago pa lamang magpapatupad ng lockdown ang pamahalaan dulot ng COVID-19 pandemic.

Karamihan sa mga nakararanas ng gutom na hindi pagkakaroon ng pagkain minsan sa loob ng nakalipas na tatlong buwan ang mga nawalan ng trabaho o wala talagang trabaho sa panahon ng pandemya.

Samantala, naitala naman sa 39.5% ng mga Pilipino ang naitalang walang trabaho ngayong Setyembre o katumbas na 23.7 milyon. Bahagya itong tumaas buhat sa45.5% o 27.3 milyon noong Hulyo.

Dahilan umano nito ang unti-unting pagbubukas na ng mga establisimiyento sa mas maluwag na quarantine level ngayon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: