Angkas, naghahanda na sa muling pag-arangkada

Angkas, naghahanda na sa muling pag-arangkada

INILALATAG n ang motorcycle-hailing app na Angkas ang kanilang safety protocols laban sa COVID 19 makaraang suportahan na ng InterAgency Task Force ang pagpapatuloy ng pilot study ng motorcycle taxis.

Kabilang sa anti-virus measures na ipatutupad ang disinfection, cashless transaction, digital contact tracing sa kanilang app, paglalagay ng motorcycle barrier, at ang pababawal ng sharing ng helmets.

Ayon kay Angkas chief transport advocate George Royeca, sasalang din sa swab test ang kanilang mga driver-partners lalo pa’t saklaw naman sila ng expanded community testing.

Sa gitna ng pandemic, nasa 30,000 biker-partners ang nag-shift sa delivery services makaraang ipagbawal ang biyahe ng mga motorcycle taxi.

“Tunay na mas mahina (ang kita), admittedly, pero s’yempre kailangan nating gawan ng paraan kasi alam naman natin na hirap ang taumbayan na makapunta sa trabaho,” saad ni Royeca.

Leave a Reply

%d bloggers like this: