Publiko, binalaan sa mga nagbebenta ng ‘brilliant uncirculated’ P20 coin

Publiko, binalaan sa mga nagbebenta ng ‘brilliant uncirculated’ P20 coin

PINAG-IINGAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa mga online sellers na nagbebenta ng tinatawag na “brilliant uncirculated P20 coins.”

“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) advises the public that it has not issued Brilliant Uncirculated 20-Piso coins,” saad ng BSP.

Ayon sa BSP, naglabas sila noong December 2019 ng bagong P20 New Generation Currency (NGC) circulation coins na may legal tender at maaring gamitin.

At hanggang noong Agosto, 2.09 milyong piraso na ng P20 NGC na umaabot sa P41.85 milyon ang nasa sirkualsyon.

Ginawa ng BSP ang babala makaraang makita sa online selling platform na may “20 Piso 2019 New Generation Currency (Brilliant Uncirculated)” coin ang ibinebenta sa halagang P100 bawat isa.

Nilinaw naman ng Lazada Philippines na ianalis na nila ang “Brilliant Uncirculated P20 coins” sa kanilang platform dahil sa advisory ng BSP.

“Our team does a daily manual sweep of product listings that violate existing policies and are removed when identified. We will continue to take strong action against sellers found breaching our platform’s terms and conditions,” pahayag ng Lazada.

Leave a Reply

%d bloggers like this: