Tinutukoy na multi-bilyong expired na gamot ng COA, toothpaste lang daw

Tinutukoy na multi-bilyong expired na gamot ng COA, toothpaste lang daw

ITINANGGI ng Department of Health (DOH) na may multi-bilyong halaga ng mga gamot silang nag-expired at iginiit na tanging mga toothpaste lamang buhat sa 840 dental kits ang mga na-expire na ‘commodities’.

Unang naglabasan ang balita na may natuklasan ang COA na P2.2 bilyong halaga ng gamot ang nag-expire sinabi ng DOH na ‘out of context’ umano.

Sa paliwanag ng DOH, may 840 dental kits silang nalalabi buhat sa 62,410 na nabili noong 2019. Tanging ang mga ‘toothpaste’ lang ang may expiry dates habang ang mga toothbrush, sabon at iba pang laman ng kits ay naipamahagi na.

Sa P1.1 bilyong ‘slow-moving’ na mga stock, sinabi ng DOH na nasa P815 milyon na ang naipamahagi nitong Setyembre 2020 habang ang balanse na P322 milyon ay patuloy pa nilang ipinamimigay.

Sa isyu naman ng halos P1 bilyong halaga ng gamot na malapit nang mag-expire, iginiit ng DOH na nitong Setyembre 30 ay naipamahagi na ang lahat ng gamot mula Enero hanggang Agosto 2020.

Iginiit rin ng DOH na ang kinukuwestiyon ng COA ay mga gamot at stocks pafra sa taong 2019 at hindi ngayong 2020.

Pinasasalamatan naman umano ng DOH ang COA sa papel nito na bantayan ang mga pinagkakagastusan ng pamahalaan lalo ngayong panahon ng pandemya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: