43K MANOK NA-HEAT STROKE, RESIDENTENG MALAPIT SA FARM NAKALIBRE NG MUKBANG

43K MANOK NA-HEAT STROKE, RESIDENTENG MALAPIT SA FARM NAKALIBRE NG MUKBANG

NAKALIBRE ng tila-“mukbang” o “eat-all-you-can” ang mga residenteng malapit sa isang poultry farm sa Laguna makaraang higit sa 43,000 na mga manok ang natodas dahil sa sobrang init nang mawalan ng kuryente.

Dahil sa hindi na rin maibebenta sa pamilihan, nagdesisyon ang may-ari ng Happy Nest poultry farm na ipamigay na lamang ang mga patay na manok sa mga malalapit na residente ng Barangay Maravilla sa Nagcarlan, Laguna.

Ang resulta, sinugod ng mga residente ang farm para makakuha ng kanilang libreng manok at maka-‘wantusawa’ sa pagkain nito. Tumigil lamang ang pamimigay ng manok nitong Miyerkules ng gabi.

Nabatid na nawalan ng kuryente ang farm nitong nakaraang Martes at dahil sa ‘tunnel ventilation’ ang farm ay naging sobrang init. May standby generator naman ito ngunit pumalya rin kaya ang resulta– na-‘heat stroke’ ang mga manok.

Tiniyak naman ni Godofredo Swerte na ligtas kainin ang mga namatay na manok dahil hindi naman sa sakit natodas ang mga ito.

Sa kabila ng pamimigay ng manok, hindi pa rin naubos ang mga patay kaya napilitang isako na lamang at ilibing dahil sa nag-uumpisa nang bumaho.

Tinatayang aabot sa P6 milyon ang nalugi sa farm dahil sa insidente.

Leave a Reply

%d bloggers like this: