Bawas-buwis sa mga magdo-donate ng gadgets

Bawas-buwis sa mga magdo-donate ng gadgets

KINUMPIRMA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magkakaroon ng tax deductions ang mga magdo-donate ng mga computers at iba pang gadgets sa public schools para magamit sa blended learning.

Ayon kay BIR Commissioner Cesar Dulay, alinsunod sa Bayanihan to Recover As One Act, saklaw ng probisyon ang mga donasyong personal computers, laptops, tablets, mobile phones, printers at iba pang kahalintulad na equipment para magamit ng mga guro at estudyante sa government-run schools, kabilang na ang mga state universities and colleges (SUC) at vocational institutions sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Epektibo ang tax incentive sa panahon ng implementasyon ng Bayanihan 2 Law mula September 15 hanggang December 19.

Nilinaw ng BIR na maging ang foreign donations ay exempted sa sa value-added tax (VAT) at sa requirement para sa authority to release imported goods (ATRIG) upang mas maging mabilis ang release ng donated goods sa Bureau of Customs (BOC).

“The BIR may, however, conduct post-investigation audit on the importations released by the BOC without ATRIG pursuant to this regulation,” saad pa ni Dulay.

“Furthermore, any input tax VAT attributable to the purchase of donated personal computers, laptops, tablets, or similar equipment not previously claimed as input tax shall be creditable against any output tax,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: