MGA KUMPANYANG ‘DI MAGBIBIGAY NG 13TH MONTH BONUS, DAPAT MAPATUNAYAN NA ‘IN DISTRESS’ SILA

MGA KUMPANYANG ‘DI MAGBIBIGAY NG 13TH MONTH BONUS, DAPAT MAPATUNAYAN NA ‘IN DISTRESS’ SILA

KAILANGAN munang patunayan ng mga kumpanya na hindi magbibigay ng 13th month bonus ngayong Disyembre na ‘in distress’ sila at labis na naapektuhan ng pandemya bago pahirapan ang kanilang mga empleyado.

Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kaugnay nito, maglalabas sila ng patakaran na magiging batayan kung kuwalipikado ang isang kumpanya na hindi magbigay ng 13th month bonus.

Ito ay makaraang sabihin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pinapayagan naman umano sa ilalim ng batas na hindi magbigay ang mga kumpanya na nagtatrabaho sa micro, ‘small, and medium enterprises (MSMEs)’ kung mapatutunayan nito na wala silang kakayanan na ipagkaloob ng naturang bonus dahil sa pandemya.

“Whether they are in distress or not ay magpapalabas kami ng advisory tungkol diyan. ‘Yan ang pag-uusapan namin, gawan natin ng paraan para maipaliwanag natin kung sino yung mga kompanya na considered to be in distress,” paliwanag ni Bello.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 851, kinakailangan na magbigay ng 13th month bonus ang mga kumpanya sa kanilang ‘rank and file’ na mga empleyado na katumbas ng isang buwang suweldo nito.

“Under the law, kailangang bayaran ang 13th month pay. Ang exemption diyan is kapag ang company is in distress,” dagdag ng kalihim.

Leave a Reply

%d bloggers like this: