PLANTA NG BAKUNA NG RUSSIA, PAPAPASUKIN NG DOH?

PLANTA NG BAKUNA NG RUSSIA, PAPAPASUKIN NG DOH?

MAKARAAN ang kaluwagan sa mga kumpanya ng China, ang Russia naman ang papasok sa Pilipinas nang magpahayag ng kahandaan ang Department of Health (DOH) kahapon na handa silang papasukin sa bansa ang Russia para magtayo ng planta na magpo-prodyus ng bakuna kontra COVID-19.

Inamin kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na napag-usapan ito sa pagpupulong ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga diplomat ng Russia. Nasabi na rin ito kay Health Secretary Francisco Duque III sa pakikipag-uspaa niya kay Russian ambassador Igor Khovaev.

“This will provide us with that advantage. Hindi lang dito sa pandemyang ito but in the coming years na magkakaroon tayo ng pangangailangan ulit na ganito,” ayon kay Vergeire sa virtual conference kahapon.

“Hindi lang yung fill and finish na manufacturing plant meron talagang planta ng bakuna,” dagdag niya.

Ngunit bago mangyari ito, iginiit ni Vergeire na kailangan munang dumaan ang Russia sa lahat ng ‘regulatory process’ ng Pilipinas kabilang ang mga itinatadhana ng batas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: