Gutom at ibayong hirap isinisi sa lockdown

Gutom at ibayong hirap isinisi sa lockdown

TINUKOY ng isang opisyal ng World Health Organization (WHO) na ang ipinatutupad na lockdown ng mga pamahalaan ang isa sa dahilan ng matinding kahirapan at gutom na nararanasan ngayon ng napakaraming tao partikular sa mga mahihirap na bansa.

Ito ay makaraang manawagan si Dr. David Nabarro, special envoy on COVID-19 ng WHO, sa mga pinuno ng mga bansa na tanggalin na ang ipinatutupad na mga lockdowns para makahinga ang ekonomiya at makaalpas na sa kahirapan ang mga mamamayan.

“We in the World Health Organization do not advocate lockdowns as the primary means of control of this virus,” ayon kay Nabarro.

Kabaligtaran ito ng pahayag ng WHO na esensyal ang lockdown sa paglaban sa COVID-19 sa mga unang buwan ng pagputok nito sa mundo.

Iginiit niya na ang tanging panahon na maaaring ipatupad ang lockdown ay upang makakuha ng sapat na oras para sa ‘reorganization, regroup, rebalance (resources)’ at protektahan ang mga ‘health workers’ kung pagod na pagod na.

Ipinunto niya ang negatibong epekto ng mga lockdown sa iba’t ibang bansa lalo na ang pagbagsak ng turismo at mas matinding paghihirap ng marami na nagdudulot ng ibayong gutom.

“Look what’s happening to poverty levels. It seems that we may well have a doubling of world poverty by next year. We may well have at least a doubling of child malnutrition,” paliwanag pa ni Nabarro.

Ikinukunsidera ang Pilipinas na siyang may pinakamahabang lockdown sa mundo na nag-umpisa noong Marso nang biglaang tumaas ang mga kaso ng COVID-19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: