Mobile Data sa Pinas, ika-60 na ‘pinakamura’ sa 228 na bansa

Mobile Data sa Pinas, ika-60 na ‘pinakamura’ sa 228 na bansa

NASA ika-60 pwesto ang Pilipinas sa 228 bansa sa mundo kung ang pag-uusapan ay ang murang mobile data.

Lumitaw ito sa pag-aaral ng UK-Based technology website na cable.co.uk

Batay sa datos, lumilitaw na ang 1 gigabyte (1GB) ng mobile data sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng $1.42 o katumbas ng P68.82

Sa pag-aaral ang pinakamuhang 1GB mobile data ay nasa $0.95 at ang pinakamahala ay nasa $7.87.

Kabilang sa mga bansang may pinakamurang mobile data ang India, $0.09 bawat 1GB, Israel na may $0.11, Kyrgyzstan sa presyong $0.21, Italy sa halagang $0.43, at Ukraine sa presyong $0.46.

Marami sa mga bansang may pinakamurang mobile data ay may excellent mobile at fixed broadband infrastructure kaya’t naibababa ang presyo nito.

Kasama naman sa mga bansang may mahal na mobile data ang Sao Tome and Principe na nagkakahalaga ng $28.26 ang 1GB; Bermuda sa presyong $28.75, Nauru na nagkakahalaga ng $30.47, Falkland Islands na may presyong $40.41, at Saint Helena na may halagang $52.50.

Karamihan sa mga bansang may pinakamahal na mobile data ay hindi maganda ang imprastraktura at kaunti lanag nag gumagamit ng mobile data.

Sa Pilipinas, patuloy ang pagtatayo ng mga cell sites at towers upang mas mapaganda ang serbisyo ng koneksyon makaraang bantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Smart at Globe sa kanilang operasyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: