13th Month pay sa pribadong sektor, sasagutin ng gobyerno?

13th Month pay sa pribadong sektor, sasagutin ng gobyerno?

DAHIL sa pagbagsak ng ekonomiya at pagkalugi ng mga negosyo lalo na ang mga maliliit, may posibilidad na sagutin ng pamahalaan ang bahagi ng 13th Month Bonus ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na ikinukunsidera nila ang hiling ng mga maliliit na employers na magbigay ng subsidiya ang pamahalaan para mabigyan ng 13th month bonus ang kanilang mga manggagawa ngayong Disyembre.

Ayon kay Bello, patuloy ang kanilang deliberasyon ukol dito habang nakikipagpulong sa mga grupo ng mga manggagawa at mga employers.

Pakikiusapan umano niya at ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez si Department of Finance Secretary Carlos Dominguez kung maaari itong maisagawa.

Una nang sinabi ni Bello na maaaring hindi muna magbigay ng 13th month bonus ng mga ‘micro, macro at small businesses’ ngayong pandemya kung mapapatunayan na ‘in distress’ sila.

Pinalagan naman ito ng iba’t ibang sektor na nagsabing labag sa batas ang hindi pagbibigay ng naturang benepisyo.

Handa naman umano ang mga employers na magbigay ng bonus ngunit talaga umanong walang mapiga ngayon dahil sa paghina ng negosyo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: