Facebook naglaan ng US$100 million grant para sa mga naluging negosyo

Facebook naglaan ng US$100 million grant para sa mga naluging negosyo

AABOT sa US$100 milyon ang inilaan ng Facebook na ipamamahagi sa mga maliliit na negosyo na nalugi ngayong panahon ng pandemya para tulungang makabawi ang mga ito.

Sa anunsyo ng Facebook, bukas na ang aplikasyon nito sa Pilipinas para makapag-aplay ang mga may-ari ng negosyo na bumagsak dahil sa COVID-19.

“We know that small businesses continue to face challenges due to COVID-19. As part of our commitment to small businesses, we announced a USD $100 million grant program to support up to 30,000 eligible small businesses in more than 30 countries,” ayon sa Facebook.

Kabilang sa mga kuwalipikasyon ng mga maaprubahang negosyo ay dapat:

– nakaranas ng mga matinding pagsubok ngayong panahon ng pandemya;
– may dalawa hanggang 50 empleyado lamang mula Enero 1, 2020;
– may higit isang taon na ang negosyo;
– dapat isang ‘for-profit’ na kumpanya;
– kailangang malapit sa lokasyon ng tanggapan ng Facebook sa Pilipinas.

Unang itinakda ang aplikasyon mula Oktubre 6-12 ngunit pinalawig ito ng Facebook nang hanggang Oktubre 19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: