Kalahating milyong miyembro ng TUPAD, wala pang sahod

Kalahating milyong miyembro ng TUPAD, wala pang sahod

HINDI pa nasusuwelduhan ng pamahalaan ang nasa 500,000 manggagawa na nasa ilalim ng TUPAD may ilang buwan na ang nakalilipas.

Ito ang pag-amin ni DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) director Atty. Karen Perida Trayvilla na nangako naman na ipaprayoridad na sila sa susunod na pagpapalabas ng pondo ng pamahalaan.

Ang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) ay ang programa ng pamahalaan na layong bigyan ng pansamantalang trabaho ang mga nawalan ng hanapbuhay na mahihirap. Target nito ang halos 1 milyong Pilipino para makaraos sa buhay ngayong pandemya.

Sa ilalim nito, bibigyan ng minimum na 10 araw na trabaho ang isang miyembro ngunit hindi lalagpas sa 30 araw.

Nitong Setyembre, nasa 600,000 manggagawa pa lamang umano ang nabigyan ng benepisyo o suweldo buhat sa programa.

“We have more than 500,000 na unserved applicants. Under Bayanihan 2… prioritize muna ‘yung hindi nabigyan ng ayuda doon sa Bayanihan 1,” ayon kay Trayvilla.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, naglaan ang pamahalaan ng P165.5 bilyon para sa paglaban sa COVID-19 kung saan nasa P6 bilyon ang panukalang ilalaan sa TUPAD.

Leave a Reply

%d bloggers like this: