Christmas party sa Metro Manila, kanselado!

Christmas party sa Metro Manila, kanselado!

MAS malungkot ngunit mas ligtas na Pasko ang kahaharapin ng mga Pilipino ngayong Disyembre makaraang nagkakaisang paboran ng mga alkalde na miyembro ng Metro Manila Council (MMC) ang pagkansela sa anumang Christmas party.

Bukod sa mga party ng mga pampublikong opisina, hinikayat rin ng MMC ang pribadong sektor na huwag munang magsagawa nito dahil sa posibleng paglabag sa protocol sa ‘physical distancing’ at ‘mass gathering’.

“Ang talagang pinagbabawal lang ang Christmas parties,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia sa resulta ng pulong ng mga alkalde nitong nakaraang Lunes.

Sa halip na pisikal na magkita-kita, hinikayat ng MMC ang pribadong sektor na magsagawa na lamang ng ‘online party’, electronic raffles habang dapat ring ibigay ang bonus ng mga empleyado.

“In-encourage natin ang private sector na wala na ring Christmas party kasi dito po talaga magsisimula ang transmission ng virus dahil nga may mass gathering,” dagdag ni Garcia.

Leave a Reply

%d bloggers like this: