Mga bilanggo sa China, pagtatrabahuhin sa infra projects sa Pilipinas?

Mga bilanggo sa China, pagtatrabahuhin sa infra projects sa Pilipinas?

KINALAMPAG ng isang nagpapakilalang grupo na nagsusulog sa reporma ang embahada ng China ukol sa ulat na gagamitin nila ang mga bilanggo sa China para magtrabaho sa mga infrastructure project na nai-award ng pamahalaan sa kanilang mga kontraktor.

Hiniling ng grupong Kilos Pinoy Para sa Pagbabago (KPPP) sa embahada na tingnan ang ulat ng ‘forced labor’ sa mga bilanggong Tsino.

Sa kanyang liham kay Chinese Ambassador Huang Xilian na may petsang Oktubre 20, iginiit ni William Espinosa, group convenor na linawin ang seryosong isyu at maging patas sa pagtrato sa mga manggagawang Pilipino.

Lumabas ang usapin sa ginawang pagdinig sa Senado kaugnay sa pagkakatuklas na 45 porsiyento ng mga manggagawa sa proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Binondo-Intramuros Bridge project ay pawang mga Tsino o Chinese workers habang 31 porsiyento naman nila ang gumagawa sa Estrella Pantaleon project.

Ang higit pa anilang nakakabahala ay ang ulat na pawang mga bilanggong Chinese ang ipinapadala ng mga kompanya sa Pilipinas upang magtrabaho na kung totoo ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng International Labor Organization.

Leave a Reply

%d bloggers like this: