Suplay ng karne ng baboy sa Pasko, sapat

Suplay ng karne ng baboy sa Pasko, sapat

TINIYAK ni Agriculture Secretary William Dar na sapat ang suplay ng karne ng baboy hanggang sa panahon ng Kapaskuhan sa kabila ng banta ng African swine fever (ASF).

“Marami pa tayong imbentaryo, if we compare iyong imbentaryo natin last year, the same period, mayroon tayong 55% more pork,” saad ni Dar.

Gayunman, umapela ang kalihim sa mga cold storage owners na regular na ilabas ang mga frozen pork supplies.

“Mayroon tayong tinitingnan na minamanipula nila iyong paglabas ng frozen pork kasi mayroon naman nandiyan na sa mga cold storages natin. We will do what is necessary para mapalabas regularly itong mga nasa warehouses,” dagdag pa nito.

Kinumpirma naman ng opisyal na naapekto na sa 25 lalawigan at nasa 350,000 na ng baboy ang kinatay dahil sa ASF outbreak.

“It continues to be a threat to the Philippine swine industry, and let me further mention na there are just a few countries in the world which have successfully eradicated ASF. Pero it took them kagaya ng Spain, 30 years,” diin ni Dar.

Leave a Reply

%d bloggers like this: