Libreng bisikleta ipamamahagi ng DOLE

Libreng bisikleta ipamamahagi ng DOLE

MAMAMAHAGI ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga libreng bisikleta sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng programa nila na magbigay ng pagkakakitaan ngayong pandemya.

Inisyal na 900 bisikleta ang ipamamahagi ng DOLE sa susunod na linggo para sa mga nais pumasok sa trabaho bilang ‘food delivery biker’. Nakipag-partner umano ang ahensya sa Grab at Lalafood/move para sa naturang programa.

Ngunit kaialangan munang sumalang ang mga aplikante sa pagsasanay ukol sa regulasyon sa trapiko, ‘financial literacy at occupational safety and health standards’ bago mabigyan ng kanilang bisikleta.

Sinabi ni DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns Director Karina Perida-Trayvilla, na bukod sa bisikleta ay bibigyan rin ang mga benepisaryo ng ‘insulation bag, helmet, reflective vest, bike rack, pantrabahong cellular phone at load wallet’.

“Dahil nagkaroon nga po ng bicycle boom bunsod ng COVID-19, naisip din po ni [DOLE] Secretary [Silvestre] Bello na bigyan ‘yung ating displaced workers, particularly po ‘yung nasa informal sector na naapektuhan o nawalan ng kabuhayan, magbibigay po ng bisikleta,” ayon kay Trayvilla.

Ang mga interesado ay maaaring mag-aplay sa anumang Field offices ng DOLE sa kanilang lugar. Una itong ipatutupad sa mga lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Muntinlula at Maynila bago magtungo sa Cebu at iba pang rehiyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: