MOBILE SUBSCRIBERS, PINALILIPAT NA SA 4G/LTE SIM

MOBILE SUBSCRIBERS, PINALILIPAT NA SA 4G/LTE SIM

LAGI bang problemado sa signal ng inyong internet sa cellphone o araw-araw bang namomorblema sa mabagal na koneksyon? May payo ang Globe Telecom sa mga mobile subscribers upang maiwasan ito.

Sa pinakahuling advisory ng isa sa giant telco, pinayuhan ang mga mobild subscriber na lumipat na sa 4G/LTE upang maiwasan ang nakakainit ng ulo na ‘intermittent o slow connection’.

Una nang inanunsyo ng kumpanya na aalisin na nila ang mga 3G SIMs at isusulong ang 4G/LTE at 5G-ready SIM migration.

“These efforts, however, will not be felt if our customers will not make the effort to move away from 3G technology to 4G/LTE. If they are still using the old devices and old SIM cards, our customers are depriving themselves of the convenience, speed and efficiency of 4G LTE,” paliwanag ni Globe vice president for Mobile Business KD Dizon.

“Shifting to 4G/LTE will help address experiences of weak or intermittent signal and slow or no data services,” paniniguro pa nito.

Ipinaliwanag ng kumpanya na ang mga 4G LTE-5G ready SIMs ay magkakaroon ng mas mabilis na internet connection sa mga compatible phones kung ikukumpara ito sa mga 3G sim.

Nangangahulugan na kinakailangang 4G/LTE o 5G ready rin ang mga mobile phones upang mas maging epektibo ang sinasabing mabilis na koneksyon.

Ipinagyabang din ng Globe na nasa 7,700 cell sites ang kanilang itatayo ngayong taon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: