MOTORCYCLE TAXIS, MAAARI NANG BUMIYAHE

MOTORCYCLE TAXIS, MAAARI NANG BUMIYAHE

UPANG mabawasan ang hirap ng mga commuter sa kanilang biyahe araw-araw, pinapayagan na ng Malakanyang ang muling pag-arangkada ng mga motorcycle taxi tulad ng Angkas

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay makaraang mabigyan na ng go signal ang pagapapatuloy ng pilot study ng motorcyle taxi sa bansa.

“Pinayagan na rin ang mga pagpapatupad ng motorcycle taxi pilot study pagkatapos payagan ng Kamara de Representante na i-extend ang motorcycle taxi pilot study program. So, mabuting balita po yan kasi pupuwede naman tayong mag-Angkas o mag-Joyride,” pahayag ni Roque.

“Merong pong guidelines na i-issue ang LTFRB. Pero ang maganda po rito is wala na pong hadlang. Antayin lang natin ng sandali ang guidelines,” dagdag ng opisyal.

Bukod sa Angkas, saklaw ng pilot study ang ilang yunits ng Joy Ride at MoveIt.

Agad namang ikinatuwa ng pamunuan ng Angkas ang desisyon ng Malakanyang kasabay ng paninigurong susunod ang kanilang hanay sa health protocols.

“We are happy to know of the recent announcement of Malacanang giving the official green light for the resumption of operations of Angkas. This is indeed a welcome news not only for our Angkas bikers but also for the thousands of passengers who have relied on the safe, fast and affordable service that Angkas offers,” diin ng Angkas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: