650K Christmas food package inihahanda na ni Yorme

650K Christmas food package inihahanda na ni Yorme

KAHIT na kinansela ang mga Christmas party, daanlibo namang pamilya sa Maynila ang makikinabang sa matitipid na pera makaraang maagang ihanda ngayon ni ni Manila City Mayor Isko Moreno ang nasa 650,000 na food packages bilang Noche Buena ng mga pamilyang Manilenyo sa darating na Pasko.

Sinabi ni Moreno na inumpisahan na nila ang pagbili ng mga food packages para may mapagsaluhan naman lalo na ang mga mahihirap na Manilenyo sa darating na Pasko kahit taghirap dulot ng pandemya.

“We have started acquiring Christmas packs. Protect it, keep it safe. Hindi pa ito kumpleto pero tayo ay preparado na,” ayon kay Moreno sa lingguhang Management Committee Meeting ng lokal na pamahalaan.

Bukod dito, may handog din na karagdagang gift packs at limang kilo ng organic rice ang lokal na pamahalaan para sa bawat sa senior citizen.

“Lucky for you if you are a senior, very expensive and very nutritious ang rice para sa inyo. Ang good news, bibilhin natin sa Mindanao itong black rice o red rice,” paliwanag pa ng alkalde.

Una nang ipinakansela ng alkalde ang lahat ng Christmas party ng lokal na pamahalaan at sinabing ilalaan ang matitipid na pondo para sa pagkain ng nasasakupan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: