REVILLA SA TOLLWAY OPERATORS: AYUSIN ANG RFID SYSTEM

REVILLA SA TOLLWAY OPERATORS: AYUSIN ANG RFID SYSTEM

KINALAMPAG ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang tollway operators Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at San Miguel Corporation (SMC) na resolbahin ang lahat ng isyu sa pagkuha ng Radio Frequency Identification (RFID) tags at tiyakin ang maayos na infrastructure bago ang implementasyon ng cashless system.

Ito ay kasunod ng sangkaterbang reklamo mula sa mga motorista na kadalasan ay nahihirapa sa pagkuha ng RFID stickers.

“Mukha yatang nauna ang press release bago ang aktwal na kahandaan. Kitang kita na hindi sila handa sa volume ng mga kukuha ng mga RFID,” saad ni Revilla.

“Napaka-kaunti ng mga installation centers na kadalasan, nauubusan pa ng stickers,” he added. We have actually reached out and partnered with MPTC in Cavite for pop-up installation booths, but these are still not enough. Tapos half day pa lang, wala nang stickers,” dadag nito.

Ipinaalala nito na dahil sa pila sa mga installation centers, nalalagay sa panganib ang mamamayan sa COVID 19.

Pinuna rin ni Revilla ang problema sa Easytrip system na sa halip na mapabilis ang pagdaan ng mga may RFID tags ay natatagalan dahil sa problema sa sistema.

“The barriers won’t open. Their readers couldn’t read their tags. Nagiging kilometro ang traffic. Mas mabilis pa sa cash lanes dumaan. Meron din na magbubukas after a while, pero ‘di pa nakakalampas yung sasakyan, biglang babagsak yung barrier. Ayun, yupi ang kotse,” diin ni Revilla.

“Alam naman nila na may COVID, at alam din nila na lalo pang magla-last minute ang ating mga kababayan dahil dito. Bakit hindi nila pinaghandaan?” “There’s no excuse,” dagdag nito.

“They have to get their acts together, fix the issues, and do what they have to,” paalala ng senador.

Leave a Reply

%d bloggers like this: