DATABASE NG ONLINE SELLERS SA FB, NAIS KUNIN NG DTI

DATABASE NG ONLINE SELLERS SA FB, NAIS KUNIN NG DTI

HINILING ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Facebook na payagan silang ma-access ang database nito ng mga online sellers.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na bahagi ito ng kanilang kampanya kontra sa mga mapagsamantalang online sellers at traders sa social media platform.

“Now that we have a growing e-commerce activity in the country, isa ‘yun (consumer protection) sa dapat palakasin nila (Facebook), ipaalam nila, dapat lumaki ‘yung consumer awareness dito sa mga programs nila on consumer protection,” saad ni Lopez.

Sinabi ni Lopez na sa kasalukuyan tanging enforcement authorities ang pinapayagang maka-access sa datos.

Nakikipag-ugnayan na rin anya ang DTI sa Google at e-commerce platforms na Shopee at Lazada para sa pagsusulong ng pagiging digital ng medium, small, and micro enterprises.

“Ang daming kausap with respect to how we can really help micro SMEs, use their platforms so that micro SMEs can really be given the right exposure, a wider exposure for their products,” diin ni Lopez.

Sa datos, nasa 13,000 Philippine establishments ang nakarehistro sa Google na nagkakaloob ng access sa iba’t ibang business solutions.

Leave a Reply

%d bloggers like this: