Nakumpiskang gadgets, ido-donate ng BOC sa DepEd

Nakumpiskang gadgets, ido-donate ng BOC sa DepEd

INUUMPISAHAN na ng Bureau of Customs (BOC) ang proseso para sa maibigay bilang donasyon sa Department of Education (DepEd) ang libo-libong mga nakumpiskang mga electronic gadgets upang mapakinabangan ng mga mahihirap na mag-aaral sa mga pampublikong mga paaralan.

Nasa kasagsagan ngayon ng pag-iimbentaryo ang mga tauhan ng BOC sa mga nakumpiska at abandonadong kagamitan tulad ng mga laptop computers, internet routers, tablets, mobile phones, hard drives, flash drives, monitors, printers, pocket WiFi, educational book at maging mga school bags at sapatos.

Photo c/o BOC

Kumuha rin ang BOC ng clearance mula sa National Telecommunications Commission (NTC) at Optical Media Board (OMB) para matiyak na pasado sa pamantayan ang mga gadgets na ido-donate nila.

“Customs NAIA hopes that the gadgets will be of help in the blended learning program of DepEd and be able to support this new learning modalities of students in different communities,” ayon kay District Collector Carmelita Talusan.

photo c/o BOC

Bahagi umano ito ng tungkulin ng BOC na maging mulat sa problema na kinakaharap ng lipunan bukod sa mandato nila na magbantay sa mga border, pantalan at koleksyon sa kita ng pamahalaan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: