CASHLESS PAYMENT SA EXPRESSWAYS, INIATRAS SA DISYEMBRE

CASHLESS PAYMENT SA EXPRESSWAYS, INIATRAS SA DISYEMBRE

MATAPOS ulanin ng reklamo at nagdulot ng matinding pagbibigat sa daloy ng trapiko ang pag-aapply ng RFID stickers, nagdesisyon nag Department of Transportation (DOTr) na iatras sa December 1 ang mandatory implementation ng cashless toll collections sa mga toll roads sa halip na sa November 2.

Ayon sa DOTr, ang kanilang desisyon ay dahil marami pang motorista ang hindi pa nakakakuha ng RFID stickers.

Ipinaliwanag pa ni Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales na para na rin maiwasan ang mahabang pila sa mga toll roads dahil sa dami ng mga nais kumuha ng stickers.

“But, mind you, this will be the last time that we will be extending. No more extension beyond December 1,” babala ni Sales.

Tiniyak ng TRB, na handa na ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) at San Miguel Corporation (SMC) sa paggamit ng electronic payment systems.

“Iwasan natin ‘yung kung kailan isang linggo na lang, tsaka tayo magmamadaling magpunta sa installation sites para magpakabit ng RFID,” paalala naman ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor.

“Now, we are extending the deadline to give further consideration. Let us use the extension wisely,” dagdag nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: