Floating status sa empleyado, itinaas ng hanggang 1 taon

Floating status sa empleyado, itinaas ng hanggang 1 taon

KAYSA matanggal sa trabaho dulot ng retrenchment, mas pinili ng Department of Labor and Employment (DOLE) na palawigin na lamang ng hanggang isang taon ang floating status ng mga empleyado buhat sa mga kumpanya na labis na nalugi ngayong pandemya.

Sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez na nasa ilalim ito ng Department Order 215-2020 na nagbibigay ng anim na buwang ekstensyon sa ‘floating status’ dahil sa epekto ng COVID-19 sa mga negosyo.

Inamiyendahan ng kautusan ang ‘implemeting rules ang regulations (IRR)’ ng Labor Code of the Philippines na nagbibigay ng awtoridad sa mga employer na ilagay sa floating status ang kanilang mga tauhan ng hanggang anim na buwan.

Sinabi ni Benavidez na mas makakabuti umano ito sa mga empleyado na sa halip na magkaroon ng ‘retrenchment’ ay palawigin ang kanilang pagiging ‘floating’ hanggang sa makarekober ang kanilang kumpanya at muli silang gawing aktibo.

“Sa tingin namin ito ay mas makakabuti sa mga manggagawa, sa level nila, mag-usap sila na instead na sila ay tanggalin ay magkaroon sila ng usapan na i-extend pa ‘yung kanilang floating status,” paliwanag ni Benavidez.

Nitong nakaraang Setyembre, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang unemployment rate na 10% noong Hulyo na may katumbas na4.6 milyong Pilipino na walang trabaho.

Leave a Reply

%d bloggers like this: