Higit 950K ektaryang bukirin, winasak ni bagyong Rolly

Higit 950K ektaryang bukirin, winasak ni bagyong Rolly

Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) na aabot sa 950,000 ektaryang bukirin ng palay at mais ang mawawasak ng bagyong Rolly sa pagtama nitong Linggo sa Pilipinas.

Ayon sa DA, nasa kabuuang 828,324 ektaryang taniman ng palay at iba pang crops ang masisira sa CAR, Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII habang 58,341 ekarya rin ng taniman ng mais.

Una nang inabisuhan ni Agriculture Secretary William Dar ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga pananim bago pa tumama ang bagyo.

Ang panibagong hagupin sa mga magsasaka ay kasunod ng patuloy na mababang presyo ng palay sa bansa na umabot na sa P11 kada kilo.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang average na ‘farm-to-market’ na presyo ng palay ay bumagsak ng 4.1% o P15.79 kada kilo mula sa dating P16.47 dahil sa pagmamadali ngayon ng mga magsasaka na makaani bago abutan ng mga sunud-sunod na bagyo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: