Taas-presyo ng cooking gas, salubong ng mga oil companies ngayong Nobyembre

Taas-presyo ng cooking gas, salubong ng mga oil companies ngayong Nobyembre

Sa halip na tulong dahil sa epekto ng pandemya at bagyo, taas-presyo sa cooking gas o liquefied petroleum gas (LPG) ang isinalubong ng mga kumpanya ng langis sa Pilipinas nitong Nobyembre 1.

Sa advisory ng Pilipinas Shell, itinaas nila ng P2.84 kada kilo ang kanilang Solane o katumbas na P31.24 kada 11-kilong tangke ng LPG.

Nasa P3.20 kada kilo naman ang itinaas ng Phoenix LPG o P35.2 kada isang tangke.

Nagtaas na rin ang Petron Corporation ng P3.20 kada kilo ng kanilang LPG at P1.79 kada litro ng kanilang AutoLPG.

Sa kabila nito, magpapatupad rin ng rolbak sa ibang produkto ang mga oil companies. Inaasahan na magbababa sila sa presyo ng gasolina at diesel mula P0.75-P0.90 kada litro.

Bababa rin ang presyo ng kerosene ng P0.65-P.075 kada litro base sa mga inisyal na kalkulasyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: