P20 milyong sports cars, tinangkang ipuslit

P20 milyong sports cars, tinangkang ipuslit

AABOT sa P20 milyong halaga ng apat na sports cars at luxury vehicles ang nasabat na naman ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP) na idineklarang mga furniture sa bahay.

Sa ulat ng BOC, nasabat ang shipment nitong Oktubre 20 na naglalaman ng isang Porsche Sporstscar, Bentley luxury car, Mercedez Benz sportscar at ‘half-cut Volkswagen.’

Tinatayang nagkakahalaga ng P20 milyon ang mga nakumpiskang mga sasakyan na nakapangalan sa importer na Blue Core Enterprises.

Nabatid na dumatin sa MICP ang shipment nitong Oktubre 16 na nakadeklara na mga ‘home furnitures’. Nang isailalim sa pagsusuri, dito nadiskubre na mga lamesa at aparador ay mga mamamahaling ‘second-hand’ na mga sasakyan ang laman ng mga container vans.

Naglabas na ng ‘warrant of seizue and detention (WSD)’ si District Collector Romeo Allan Rosales para sa mga behikulo habang isinasailalim na sa imbestigasyona ng naturang importer.

Maaaring maharap ang Blue Core Enterprises sa kasong paglabag sa Section 1400 in relation to Section 1113 ng Republic Act 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Leave a Reply

%d bloggers like this: