Kuryente sa Bikol, matatagalan pang maibalik

Kuryente sa Bikol, matatagalan pang maibalik

Inaasahang may katagalan pa bago maibalik ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Bicol region dahil sa laki ng pinsala na inabot sa bagyong Rolly.

Umabot sa P2.8 bilyon ang halaga ng pinsala ng dumaang bagyong Rolly sa mga imprastruktura sa enerhiya at kuryente sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa pagtataya ng Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na 24 na oras na nagtatrabaho ngayon ang kanilang mga tauhan at ng mga electric cooperatives para maibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar. Ngunit hindi pa siya makapagsabi kung kailan ganap na maibabalik ang kuryente partikular na sa mga labis na tinamaan ng bagyo sa Bicol region.

Karamihan umano sa mga nasira ay mga poste ng kuryente at transmission lines na nagdulot ng malawakang ‘blackout’ sa Bicol.

Alas-6 ng gabi nitong Lunes nang maikonekta ang dalawang transmission lines para mabigyan ng kuryente kahit ang Naga City sa Camarines Sur.

Sa 45 distribution lines na naapektuhan ng bagyo, nasa 25 na ang tumatakbo ng normal kaya naibaba na sa 19,000 na kustomer mula sa 45,000 ang walang suplay ng kuryente nitong Lunes ng gabi.

Leave a Reply

%d bloggers like this: