Pagtataas ng singil ng Maynilad, ipinagpaliban

Pagtataas ng singil ng Maynilad, ipinagpaliban

MAGANDANG balita para sa mga customer ng Maynila Water Services Incorporated.

Inanunsyon ng water concessionaire na Maynilad na hindi muna sila magtataas ng singil ngayong taon bunsod ng patuloy na krisis dulot ng COVID 19 pandemic.

“During these difficult times when no one is spared the economic impact of the COVID-19 pandemic, Maynilad is one with the government in finding ways to help our countrymen make the situation more manageable,” pahayag ng kumpanya.

“In this regard, Maynilad is forgoing the rate increases it is qualified to implement in the coming year—specifically the already-approved rebasing adjustment for 2021, as well as the mandated CPI (consumer price index) inflation increase for the year,” dagdag nito.

Kasama sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Maynilad ang mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon at Valenzuela.

Sakop din ito ang ilang lugar sa Cavite tulad ng mga lungsod ng Bacoor, Cavite, at Imus; at mga munisipalidad ng Kawit, Noveleta at Rosario.

“With this deferral, Maynilad hopes to alleviate the day-to-day struggles of its customers as they and the whole country strive to recover from adversity and rise stronger than before, ready to start anew,” pahayag pa ng kumpanya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: