Face shield kasama na rin sa Christmas Noche Buena package

Face shield kasama na rin sa Christmas Noche Buena package

Bukod sa dating mga handa sa Noche Buena sa Pasko, kasama na rin ang face shield sa standard na lamang ng mga Christmas Gifts para sa mga taga-lungsod ng Makati.

Inihahanda na ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang aabot sa 240,000 na mga Christmas gift bags para sa taunang Pamaskong Handog ng Makatizens ni Mayor Abby Binay.

Ang bawat Christmas gift bag na matatanggap ng mga nabigyan ng tiket ay naglalaman ng Makatizen shirt, tatlong lata ng tuna flakes in oil, tatlong lata ng tuna flakes kaldereta, tatlong lata ng corned beef, isang lata ng luncheon meat, dalawang lata ng vienna sausage, isang pack ng spaghetti sauce, isang pack ng pasta, isang lata ng fruit cocktail, isang lata ng kondensada, isang pack ng keso, at isang lata ng all-purpose cream.

Inumpisahang ipinamahagi ng Pamaskong Handog tickets sa mga benepisaryo nitong Nobyembre 2 na inihahatid sa bawat bahay ng mga tauhan ng pamahalaang lungsod.

Mula nang lumaganap ang pandemya noong Marso, maraming hakbang na ang naisagawa ng lungsod upang mapanatiling ligtas ang mga residente mula sa COVID-19.

Kabilang sa mga ito ang pagpasa ng ordinansang ginawang mandatory ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng mga residente, manggagawa, negosyante at bisita sa lungsod kapag nasa labas ng bahay; pagbibigay ng libreng bakuna laban sa flu at pneumonia; libreng targeted mass testing sa frontliners at mga hinihinalang kaso ng COVID; at libreng pooled swab testing sa mga public utility drivers, market vendors, at mga residente sa iba’t ibang barangay.

Leave a Reply

%d bloggers like this: