Mall Sale, bazaars at tiangge, pinayagan na ng QC Government

Mall Sale, bazaars at tiangge, pinayagan na ng QC Government

TIYAK na buhay na naman ang dugo ng mga taong mahilig sa sale at mga tiangge makaraang payagan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagdaraos ng mall sale, mga bazaar, tiangge at iba pang mga kahalintulad na aktibidad sa lungsod.

Gayunman, limitado ang pagsasagawa nito sa mga open-air spaces at sa mga indoor venues na mat natural ventilation.

Sa kanyang inilabas na General Community Quarantine guidelines, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na nais nilang mabuhay na muli ang ekonomiya sa lungsod subalit tinitiyak pa rin ang ligtas na Christmas season sa gitna ng panganib dulot ng COVID-19 pandemic.

“With our active COVID-19 cases now on a downward trend, we are now pushing various activities during the holidays that will open and jumpstart the economy and give livelihood to our citizens,” saad ni Belmonte.

“However, we encourage them to hold these activities in open-air spaces or naturally ventilated indoor areas to help prevent the virus from spreading. This way, we will be having a safe and meaningful Christmas celebration,” dagdag ng alkalde.

Sa ilalim ng GCQ guidelines, dapat ding tiyaking nasusunod ang minimum health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Inoobliga rin ang mga organizer na magkaroon ng record ng lahat ng mga magtutungo sa mga aktibidad para sa contact tracing purposes.

Leave a Reply

%d bloggers like this: