Catering, Buffet iwasan sa reunions at party ngayong Kapaskuhan

Catering, Buffet iwasan sa reunions at party ngayong Kapaskuhan

Hindi pa rin makakabawi ang mga negosyante sa catering makaraang ipanawagan ng Department of Health (DOH) sa publiko na huwag na munang magsagawa ng ‘buffet-style’ na handaan ngayong Pasko kung magsasagawa ng mga ‘events’ tulad ng mga ‘reunions at Christmas party’.

Sa Department Circular No. 2020-0355 ng DOH ukol sa ‘minimum health standards for holidays’, ipinayo ng ahensya na nakahanda nang mga plato ng pagkain ang ihain kaysa sa magkanya-kaniyang kuha sa ‘buffet table’.

“For family gatherings, pre-plated food service is encouraged. Buffet-style food service may increase contact among individuals,” ayon sa DOH.

Dapat rin umanong mag-ingat sa pagpapalitan ng mga gamit sa pagkain tulad ng baso, plato at kutsara’t tinidor dahil sa maaaring pagkalat ng ‘respiratory droplets’.

Dapat rin umanong iwasan ang mga ‘events place’ na air-conditioned’ at piliin ang mga lugar na maayos ang bentilasyon. Kung tatagal ang event ng higit 15 minuto, dapat tiyakin ng mga kalahok na palagian silang nakasuot ng face mask, dagdag pa ng DOH.

Matatandaan na ipinagbawal muna ngayong taon ang Christmas party lalo na sa mga pampublikong opisina upang matiyak na hindi lalabag sa physical distancing at makalimot sa mga health protocols lalo na kung nakainom na ng mga alak ang mga dadalo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: